Pages - Menu

Saturday, February 20, 2016

Life of a Little Girl (Batang 90's ako)

Nakaranas na ba kayo na pag naglalaro kayo, kuntento na kayo sa mga karton? Lumang laruan? Kumot mo? Ilalim ng Mesa mo? inshort, BAHAY BAHAYAN? Ehh sa Piko? Langit Lupa? Patintero? Tumbang preso? Chinese Garter? Ang mga Candies na halos iyakan natin pag di natin nakakain or nabibili. Yung tipong Piso lang eh, Kuntento na ang mga kabataan noon. Tapos pag pawisin ka sa kakalaro, Papaluin ka ng nanay mo o tatay mo. Im sure sa mga batang 90's jan eh, narananasan ang lahat ng yan. Nakakatuwa lang isipin na ang ganda ng mga routine ng mga bata noon kumpara ngayon.

Nowadays, Unti unti kong narerealize yun at Unti unti nating nababalikan ang lahat ng mga bagay or memories as a Batang 90's. At akala ko ako lang ang nakakaisip nun. Pero, marami rin palang Batang 90's na nakaisip nun. Siguro, Ang mga batang 90's na nakakabasa nito, Mapapaisip nalang sila na "ANG GALING, ANG GANDA PALA NG BUHAY NG MGA BATA NOON" . Yung tipong di pa uso ang APPLE MAC/SMARTPHONES/IPHONES. Kuntento na kami sa Kalsada. At Minsan kada makakakita ka ng mga bata nowadays na halos di sila kuntento kung ano ang meron sila. Sa ngayon, siguro Iphone 4 palang di na sila kuntento eh. Smartphones pa. Kamusta na kaya ang mga Batang 90's?

Preach this.


Let's back the Life/Things that we encountered of being a Batang 90's



Etong Laruan na to, Naiinggit ako sa mga merong ganto noon. Kaya, nakikihiram ako kung sino ang meron neto. Maganda ang laruan na ito.Di ko lang alam kung ano ang tawag jan. HAHAHAHA. Eto ang nilalaro ng mga kabataan nung panahong wala pa ang Smartphones etc. Kumbaga eto ang Gadgets nila.

Larong Goma
Mga Larong Chinese Garter (Di ako maruniong neto, pero mahilig ako manuod sa mga naglalaro nito.

Dr. Quack Quack

Tamagotchi (Tama ba?)


Brick Game
Naniniwala ka?





  • Akala mo cellphone, yun pala watergame
  • Brickgame na di umano may 100+ games
  • Bubutasin kaagad ang lata at lagyan ng mataas na sinulid..eh di telepono na!
  • Snake lang ang nilalaro sa 3210 na cellphone
  • Maglaro ng bahay bahayan gamit ang sako bilang bubong (kasama na ang pagluluto ng dahon sa lata)
  • Gumagawa kami ng saranggola tuwing bakasyon (plastic, sinulid at isang stick ng walis tingting)
  • Mag-drama o role play.
  • Nung mas masaya ka dahil umuulan ng malakas at maliligo kayo ng mga kasama mo. 
  • Langit, Lupa, Impyerno sa kalsada
  • Bata-bata o piko, Habulan at taguan
  • Yung paper dolls
  • Naniniwala kang nabubuntis ang mga Kisses
and many moree....


May naalala ba kayong mga kinakain ng mga Batang 90's? Kung meron man, Comment lang kayo. :)

So, eto ano ano ang mga kadalasang kinakain niyo noon?

Ice Candies/Bubble Gums na may Tatoo/MikMik etc





Small Candies pero di sya katulad ng other candies na matigas talaga

Scramble

Sweet Corn

Juices na tig 2/3

Choc Nut

MikMik/ChocNut/ZEB ZEB



 Elementary ako, Mabenta to sa School namin. Kahit 5pesos lang ang baon ko nun, masaya na ako dun sa mga binibili ko noon na candies/yogurts/Nata de Cocos etc. Im sure na nakakain na kayo neto. Kaway kaway. Sa mga batang 90's na may anak na, Try natin ishare ang mga gantong foods. Im sure ulet na masisiyahan at mararamdan nila kung gaano kayo kasaya nung kabataan nyo ba. :)



Sa school nyo ba, merong ganito? nakakajackpot ba kayo pag may number ang nabunot niyo pag nilublob na sa tubig? Im sure marami nang nakasubok neto, pero Bengaa! hahaha. Karamihan namalas, Karamihan din, Jackpot!

Up and Down Pencil Case

Nagkaroon ang mga kapatid ko neto. Pero ako, de takip ang akin, yung bakal ba, yung madali kalawangin. Ganoin. Sikat ka pag may ganyan ka.





Humanda kana pag nakalista ka jan. Its either na papaulin ka o Pipingutin ka ng Teacher mo. HAHAHAHA. Nililista jan ang mga maiingay sa room. Ginagawa ito ng mga Elementary. Naalala ko na ako yung tagalista sa mga maiingay. Nagagalit yung mga classmates ko pag nalilista sila. Gusto nila ay yung wag sila malista. Mga bida bida eh. HAHAHAHA. 
Magic Pencil


Magandang Gabi Bayan

Boy Groups

These kind of stuff that existing in 90's are so memorable. Nakakatuwa balikan. Namiss ko yung parang may yaya ako noon (pero kamag anak ko yun). Tinatalian nya ko ng pang Betty La Fea Look. Tinatalian niya ako ng pang korean syle/japanese style,basta yung mga usong hairstyles noon. Ngayong Dalaga't Binata, May asawa na, You will treasure this kind of memories kasi balang araw pag nagkaanak kayo, may ishashare kayo sa mga anak nyo kung ano ang mga uso nung kabataan nyo pa. Para, maramdaman din nila kung gaano tayo kasaya,kung gaano tayo ka kuntento sa mga bagay na meron tayo noon. Para narin maranasan narin nila kung ano ang buhay natin noon. Hindi yung puro nalang Gadgets,Yung tipong nakikiuso na sa mga makabagong paraan. Kasi, masasanay at masasanay yan sila. Forever na nila dadalhin sa buhay nila yun.

Maganda na yung iparanas sa mga pinanganak sa makabagong henerasyon ang mga bagay na naranasan natin noon.Wag sana sila lumaki sa  mga luho luho na yan. Ipakita at iparanas sa kanila na dapat makuntento sila kung ano ang meron sila. Ganoin yun.




Love,
Mhen 

No comments:

Post a Comment